


𝐌𝐲𝐫𝐚 𝐂. 𝐂𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐚𝐥
Pangasinan State University – San Carlos City Campus
Si 𝐃𝐫. 𝐌𝐲𝐫𝐚 𝐂. 𝐂𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐚𝐥 ay isang dedikadong guro mula sa Pangasinan State University – San Carlos City Campus. Sa kasalukuyan, siya ay naitalagang Tagapangulo ng Yunit ng mga Kagamitang Pampagkatuto at Panturo, at dalubhasa sa larangan ng Filipino at Wika. Nagtuturo rin siya sa antas Gradwado ng Pangasinan State University – School of Advanced Studies sa mga programa ng MAEd Filipino at PhD Filipino.
Kabilang sa kaniyang mga interes sa pananaliksik at pagtuturo ang pragmatika, estruktura ng wika, pagsasalin, kasaysayan at patakarang pangwika, at mga estratehiya sa pagtuturo ng komunikasyon at pagbasa. Bilang guro, pinauunlad niya ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng makabagong estratehiya sa pagtuturo, kabilang ang pagsasalin, pananaliksik, at wika.
Kilala rin siya sa kaniyang mga inisyatiba sa pagbuo ng mga instructional materials at pagsasagawa ng seminar-workshops para sa mga kapuwa guro, na patunay ng kaniyang malasakit sa propesyonal na pag-unlad ng mga tagapagturo. Siya ay kasalukuyang Ingat-Yaman ng Samahan ng mga Guro at Iba pang Propesyonal sa Wika, Inc. (SAGIP-WIKA). Dagdag pa rito, nahirang din siya bilang isa sa mga opisyal ng pambansang pamunuan ng Kapisanan ng mga Filipinong Awtor at Manunulat sa Pilipinas Inc. (KAFAMPI).
Sa lahat ng ito, nananatili siyang inspirasyon sa kaniyang mga estudyante at kasamahan—bilang guro, mananaliksik, at lider na nagsusulong ng wika at edukasyon.



