top of page
Blog Banner for Website Content_edited_edited.jpg
𝐀𝐢𝐬𝐚𝐡 𝐁. 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫

North Eastern Mindanao State University – Cantilan Campus

Si 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐀𝐢𝐬𝐚𝐡 𝐁. 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫 ay isang Associate Professor, awtor, at editor na kasalukuyang nagsisilbing Program Coordinator ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa North Eastern Mindanao State University – Cantilan Campus. Higit isang dekada na niyang inilalaan ang kaniyang talino at panahon sa pagtuturo ng wika at panitikang Filipino, habang patuloy na pinayayaman ang kaniyang kaalaman bilang kandidato sa pagka-Doktor ng Pilosopiya sa Filipino.

Bilang masugid na tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa, aktibo siyang nakikibahagi sa mga gawaing pangwika at pambansang organisasyon. Siya ang Officer-in-Charge for Filipino Academic Writing ng Kapisanan ng mga Filipinong Awtor at Manunulat sa Pilipinas, Inc. (KAFAMPI), at kasalukuyang Regional Director for Caraga ng SAGIP-WIKA (Samahan ng mga Guro at Iba pang Propesyonal sa Wika, Inc.). Sa pamamagitan ng mga organisasyong ito, higit niyang nahubog ang kasanayan bilang manunulat at editor, na nagbunga ng mga nalathalang aklat pang-akademiko at malikhaing akda.

Bilang mananaliksik, hindi lamang sa wika at panitikang Filipino nakatuon ang kaniyang interes, kundi maging sa pag-angat ng panrehiyong identidad bilang mahalagang tinig sa pambansang diskurso. Sa kaniyang mga akda at pag-aaral, malinaw niyang ipinapakita na ang lokal na wika ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi buháy na ugat na patuloy na nag-uugnay sa lipunan—isang salik na dapat kilalanin at pahalagahan upang higit na mahubog ang ating pambansang kaakuhan.

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram
bottom of page